Mas masayang Pamulak at Pitik Kadayawan, asahan ngayong weekend

Muling nananawagan ang City Tourism Operations Office (CTOO) sa mga bisita at turista na muling makisaya sa isasagawang Pamulak at Pitik sa Kadayawan ngayong Sabado, Agosto 24.

Siniguro ni Tourism Head Generose Tecson, ang mas masayang selebrasyon ngayong weekend, lalo na’t aasahan ang maraming bisita na makikisaya sa floral float parade at drum beating competition.

Una nang ikinatuwa ng opisyal ang positibong feedback ng mga turista at bisita, na nag-enjoy sa nakaraang Indak-indak sa Kadayawan, noong Agosto 17.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang bookings sa mga hotel sa lungsod na halos 100% nang okupado ng mga bisita.