Mas maraming beses na volcanic earthquakes, naitala sa bulkang Taal

Umabot sa 221 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Sa pinakabagong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kabilang sa naranasan sa loob ng 135 minuto ay ang low frequency volcanic earthquake at 192 volcanic tremors.

Patuloy din ang pag-angat ng hot volcanic fluids mula sa main crater, na nagdulot ng plumes na may taas na 1,500 metro.

Samantala, ang naitalang gas emission o sulfur dioxide ay pumalo sa average na 5,837 tons.

Pinayuhan ng PHIVOLCS ang local government officials, na muling isailalim sa assessment at paghahanda ang evacuated barangays sa paligid ng Taal, sakaling tumindi ang pag-aalburoto ng bulkan.

Dagdag pa ng ahensya, dapat tiyakin ng Civil Aviation Authorities na maiiwasan ng mga piloto ang pagpapalipad malapit sa bulkan lalo at posible ang pagbuga ng abo at ballistic fragments.