Mas malinaw na office work area requirement ng DOLE, binalangkas

Bilang paghahanda sa nakaambang pagbubukas ng ilang mga negosyo sa bansa, nakipagtulungan ang Department of Labor and Employment o DOLE sa Department of Trade and Industry para makabuo ng guidelines na ipapatupad ng mga opisina o negosyo na muling mag bubukas sa mga darating na araw.

Sa panayam ni Labor Sec. Silvetro Bello III sinabi nito na kabilang sa guidelines na kanilang binuo ay ang pagkakaroon ng facemask sa opisina ng bawat empleyado na papasok.

Gayundin ang pag kuha ng body temperature sa mga papasok at required din maglagay ang mga ito ng mga disinefectants at iba pang sanitizers para sa mga empleyado nito.

Layon aniya ng nasabing guidelines ay masiguro na ligtas ang mga papasok na empleyado sa kontaminasyon.