Mas malawak na info drive vs. COVID-19 vaccine hesitancy, pinanawagan ni SP Sotto

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, dapat maglunsad ng isang malawakang information drive ang pamahalaan, para malabanan ang COVID-19 vaccine hesitancy ng maraming Pilipino.

Sinabi ito ni Sotto kasabay ng pagpapahayag na hindi siya tutol sa plano ng Department of Health (DOH), na magpatupad ng brand agnostic policy o hindi pagpapaaalam ng brand ng COVID-19 vaccine na ipapamahagi.

Ito ay upang maiwasan aniya ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination site, kung saan Pfizer COVID-19 vaccine ang itinuturok.

Nilinaw rin ng senate president na sa ilalim ng naturang plano, hindi lang iaanunsyo ang brand ng COVID-19 vaccine na ipamamahagi, pero sasabihin rin ito sa mga indibidwal na magpapabakuna sa mga vaccination site bago isagawa ang mismong pagbabakuna.

Matatandaang hati ang opinyon ng mga senator sa planong brand agnostic vaccination policy…

Ang ilan ay tutol dahil mas mapapalala lang anila nito ang takot sa pagpapabakuna, samantalang ang ilang senator ay nagsasabing isa itong praktikal na solusyon sa vaccine hesitancy.