Mas mahigpit na gun ownership rules at training sa mga pulis, mas mainam na solusyon sa kriminalidad — Sen. Pimentel

Hindi pabor si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel, sa mungkahing armasan ang mga civilian group para makatulong sa paglaban sa kriminalidad.

Ayon kay Pimentel, mas kailangan na higpitan ang mga panuntunan sa pagmamay-ari ng mga baril, at ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas kontra sa mga hindi lisensyadong mga baril.

Minungkahi rin ng senator, na sanayin pa ng mas maigi ang ating mga pulis, at kung kinakailangan aniya ay mag-empleyo pa ng mas maraming pulis.

Gayundin ang payagan ang mga kilala at eksperyensiyadong foreign police services, na turuan ang ating Philippine National Police ng dagdag na kaalaman sa crime fighting, solving at prevention.