Mas mahigpit na crime prevention, asahan na kapag maipatupad ang national ID system

Tiniyak ni Department of Interior and Local Government OIC Secretary Eduardo Año na mas magiging epektibo at mahusay ang pagpapatupad ng batas at pagresolba sa mga krimen sa sandaling maipatupad ang national ID system sa bansa.

Makakatulong din aniya ito sa local government units at PNP sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin na protektahan ang pangkalahatang kapakanan ng komunidad.

Sa pamamagitan nito, mas madali para sa mga awtoridad ang pagtukoy sa mga tao.

Kaugnay nito hinimok din ng DILG ang mga kritiko sa national ID system na imulat ang kanilang pag-iisip at ikunsidera ang national ID para sa law enforcement at public safety.

Naniniwala si Año na ang mga tumututol lamang sa panukalang national ID system ay ang mga taong may itinatago sa batas. | ulat ni Rey Ferrer