Mas madali na ngayon ang pagninegosyo sa Pilipinas matapos na maisabatas ang Tax Reform Law–Angara

Mas magiging magaan na umano ang buhay para sa mga Pilipinong may maliliit na negosyo, di lamang dahil sa mababawasan ang kanilang binabayarang buwis, kundi dahil na rin sa pina-simpleng proseso ng paghahain at pagbabayad ng buwis.

Tinuran ngayon ni Senador Sonny Angara na makaraan na maisabatas ang Tax Reform Law, mas magiging magaan na umano ang buhay para sa mga Pilipinong may maliliit na negosyo, di lamang dahil sa mababawasan ang kanilang binabayarang buwis, kundi dahil na rin sa pina-simpleng proseso ng paghahain at pagbabayad ng buwis.

Tinukoy ni Angara ang pinakahuling ‘Doing Business report’ ng World Bank kung saan ang ranggo ng Pilipinas ay umakyat sa ika-pang-113 ngayong taon mula sa ika-pang-99 nung nakaraang taon sa may 190 mga bansa.

Ayon sa World Bank report, para makapagbukas ng isang negosyo sa Pilipinas, ang isang nagsisimulang negosyante ay kailangang magsagawa ng dalawampung magkakaibang tax at contribution payments at kailangang personal na magtungo sa maraming ahensya.

Dagdag pa rito, ang bagong itatayong negosyo ay ina-asahang magbabayad ng 43% ng kanyang kita sa buwis at kontribusyon, bawat taon.

Samantala, sa ilalim ng Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang mga suwelduhan, at maging ang mga professionals at self-employed individuals na may maliliit na negosyo, na ang taunang kita ay di lagpas sa P250,000, ay libre sa pagbabayad ng income tax at di na sila kailangang mag-file pa ng income tax returns (ITR). | via Jojo Ismael