Mas mabigat na parusa kontra illegal wildlife poachers at traders, ipinapanukala sa Kamara

Isang panukalang batas ang inihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na naglalayong patawan ng mas mabigat na kaparusahan ang mga illegal wildlife poachers and traders at masagip ang wildlife at resources nito.

Ayon kay Barbers, tinatayang P50 billion ang annual losses sa market value ng wildlife gayundin ang pinsala sa kanilang habitat, ecological role at value.

Sa ilalim ng House Bill 9410 ay aamyendahan ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147) na sinasabi ng mga eksperto na hindi na tugma sa kasalukuyang sitwasyon ng wildlife crimes sa bansa.

Magpapatupad din ng rewards at incentives sa mga enforcement officers o informants na magbibigay impormasyon laban sa illegal wildlife traders at traffickers na popondohan naman sa ilalim ng lilikhaing Wildlife Management Fund.

Itinutulak naman na patawan ng 15 hanggang 20 years na pagkakabilanggo at multang P500,000 hanggang P2 million ang isang poacher o trader na mapapatunayang pumatay ng isang critically endangered wildlife specie.