Mas maayos na information and media cooperation, nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Thailand

Lalo pang lumakas ang maayos na relasyon ng Pilipinas at Thailand.

Ito ay makaraang lagdaan ang isa na namang Memorandum of Understanding (MOU) ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pamamagitan ni Secretary Martin Andanar at Minister Kobsak Pootrakool. Ang naturang MOU ay para sa mas maayos na information and media cooperation.

Sa kanyang talumpati matapos ang signing, sinabi ni Andanar na malaking tulong ang teknolohiya sa mas mabilis na pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng media at ibang platforms.

Binigyang diin ni Andanar ang pasasalamat sa Thai government para sa pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pamamagitan ng “awareness,” unawaan at kaalaman para sa ganitong adhikain, na parehong pinahahalagahan ang propesyon ng pamamahayag at public relations.

Inihayag naman ni Minister Pootrakool sa kanyang talumpati ang patuloy na technological innovations, bilang pangunahing paraan para sa mas mabilis na paghahatid ng mga impormasyon sa mga mamamayan. | ulat ni Alvin Baltazar