Market Life Management and Leasing Corp., nagbayad na ng utang sa Manila Gov’t

Nagbayad na ng Market Life Management and Leasing Corporation ng ₱4,945,000 sa City Treasurer ng Maynila ngayong araw.

Ito’y matapos magbigay ng babala si Mayor Isko Moreno sa nasabing leasing corporation, kasama ang XRC Mall dahil sa hindi pagbabayad ng mga utang nito sa pamahalaang lungsod, habang buwan-buwan nagbabayad ng renta ang mga vendor sa mga pamilihan ng Sta. Ana, San Andres, Sampaloc at Trabajo

Magugunitang nagbigay ng 72 oras o tatlong araw na palugit si Mayor Isko sa mga nasabing leasing corporation, na magbayad ng pagkakautang o mahaharap sa patong-patong na kaso

Matapos magbayad ng kalahati ng unpaid obligations ay humingi ang Market Life ng tatlumpung araw upang mabayaran ang natitirang utang nito sa lokal na pamahalaan

Positibo naman ang naging reaksiyon ng alklade sa ginawang pagbabayad ng utang ng mga leasing corporation upang matulungan ang lokal na pamahalaan.