Marching order ni Pangulong Duterte kay bagong DOJ Sec. Guevarra, gawin lang ang tama

Simple lamang ang nagsilbing marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, isa lang ang naging bilin sa kanya ng Chief Executive kasunod ng agaran din niyang ginawang panunumpa bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Katarungan.

Ito ay ang gawin lang nang tama ang kanyang bagong trabaho sa departamento na binakante ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pamamagitan ng pagri-resign na tinanggap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang panig, nagpaabot naman ng pasasalamat si Guevarra sa aniya’y tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Presidente upang pangasiwaan ang DOJ.

Si Guevarra ay top 2 sa bar exam noong 1985, nagtrabaho bilang technical staff ng 1986 Constitutional Commission habang nagtrabaho din sa isang kilalang law firm at naging faculty member ng Ateneo School of Law at bumalik sa gobyerno ng nai-appoint sa Phil Truth Commission at ang pinakahuli’y ang pagsisilbi bilang Department¬†Executive¬†Secretary for Legal Affairs na nasa ilalim ng Office of the President. | via Alvin Baltazar