Maraming benepisyo ng TRAIN Law, dapat tingnan ng Senado sa harap ng tila malamig na pagtingin sa 2nd phase ng TRAIN Act – Finance Department

Paalala sa maraming benepisyong dulot ng TRAIN Law ang tugon ng Department of Finance sa tila nais ng Senado na ibinbin muna ang pagpasa sa ikalawang phase ng nasabing batas.

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, dapat maalala ng mga kinauukulan na halos 99 na porsyento ng taxpayers ang tumaas ang take-home pay habang malaki na din ang nakuhang revenue ng gobyerno mula sa katas ng excise tax na ipinataw sa sweetened beverages at unhealthy products gaya ng sigarilyo.

Sa P90 bilyon na incremental revenue na nakuha sa TRAIN, sinabi ni Lambino na 30 porsyento dito ay napapakinabangan na sa social services kung saan P27 bilyon ang nagagamit sa edukasyon.

Pitumpung porsyento naman ang nagagamit sa infrastructure projects kung saan aabot sa 50 bilyong piso kada buwan ang nagugugol.

Tatlumpung porsyento nito ay napupunta sa bagong pasuweldo sa mga manggagawa kung saan, 93,000 ang nakinabang o nagkaroon ng trabaho.  | ulat ni Alvin Baltazar