Marami pang baybaying dagat sa Visayas at Mindanao, naapektuhan na rin ng red tide toxins

Sampu pang baybaying dagat sa bansa ang naapektuhan na rin ng red tide toxins.

Pinapayuhan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resourses (BFAR) ang publiko na iwasan ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga shellfish sa mga karagatang ito.

Sa ulat ng BFAR, kabilang sa sampung coastal waters na positibo ng paralytic shellfish poison ay ang Daram Island, Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar, baybaying dagat ng Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, Biliran Islands at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ng BFAR at local government units ang paghango din ng mga shellfish sa sampu pang coastal waters na hanggang ngayon ay kontaminado pa ng red tide toxins.