Manila Mayor Isko, negatibo sa ikalawang COVID-19 test

 

Masayang ibinalita ni Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng kanyang ikalawang COVID-19 test.

Ayon kay Moreno, nagnegatibo ang naturang test at malaki ang iginaan ng kanyang dibdbib dahil dito.

Paliwanag ni Moreno na nasa ika-pitong araw na siya ng kanyang second self quarantine at kahit nagnegatibo na aniya siya ay patuloy pa rin niyang oobserabahan ang quarantine protocol.

Matatandaan na ang ikalawang quarantine ni Moreno ay bunsod ng exposure nito kay Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa isang meeting.

Habang ang unang beses naman ay noong nanggaling ito sa Europa matapos umattend ng ilang developmental meetings.