Manila Airport kabilang sa Most Improved Airports sa mundo

Pasok ang Ninoy Aquino International Airport sa Top Ten World’s Most Improved Airports ayon sa 2018 Skytrax World Airport Awards.

Sa isinagawang survey mula sa 13.73 million,550 na paliparan ang sumagot sa buong mundo mula August 2017 hangang February 2018 ng may 100 nationalities of airlines consumers na ginawa sa salitang English, Chinese at Spanish.

Sa naturang survey nangunguna ang Rome sumunod ang Perth, Calgary, Taiwan, Athens, Nadi, Montreal, Moscow, Houston Intercontinental at ika-10 ang Manila.

Number one naman sa listahan ang Japan Haneda sa World’s Cleanest Airports, habang nangunguna din ang London Heathrow Terminal 2 bilang World’s Best Airport Terminals.

Sinabi naman ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal malaking hamon para sa kanila ngayon kung paano mapapanatili ang nasabing survey.

Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang MIAA chief sa mga milyong pasahero na nagbigay ng panahon na maibahagi sa survey ang kanilang karanasan sa Ninoy Aquino International Airport.

Matatandaan sa mga nakalipas na taon palaging napapabilang ang NAIA bilang Worst Airport sa Asya sa isang survey ng travel site Sleeping in Airports.Net. | via Ariel Fernandez