Mandaluyong LGU, nakapagbakuna na ng higit 2,800 essential workers

Umabot na sa 2,823 ang mga essential worker na nabakunahan, sa pagbubukas ng A4 vaccination sa Mandaluyong City.

Bukod sa MCMC Mega Vaccination Site, binuksan na rin ng local government ang Jose Rizal University, at ang La Salle Greenhills bilang karagdagang vaccination venue.

Target naman ng lokal na pamahalaan, na itaas sa 4,000 ang daily vaccination sa A4 category oras na dumami na ang suplay ng bakuna nito.

Sa kabuuan, pumalo na sa 105,475 ang bilang ng mga bakunang nagamit sa COVID-19 vaccination rollout sa Lungsod ng Mandaluyong, kung saan aabot na sa 82,119 na mga residente ang nakatanggap ng unang dose habang 23,356 na rin ang fully vaccinated.