Mandaluyong LGU, nakapag-deploy na ng higit 71,000 vaccines

Pumalo na sa 71,764 ang kabuuang bilang ng mga bakunang nagamit, sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng COVID-19 vaccination sa Lungsod ng Mandaluyong. 

Batay sa vaccination report ng local government, nitong May 25, aabot na sa 55,000 na mga residente ang nakatanggap ng unang dose, habang 16,733 na rin ang fully vaccinated kabilang ang nasa 4,000 health workers sa lungsod.

Pinakamalaking bilang naman ng nabakunahan ay mga nasa A3 o adults with comorbidity, na nasa 34,372 na sinundan ng A2 o mga senior na nasa 16,387.

Mayroon ding 102 essential workers ang nabakunahan na sa lungsod, sa isinagawa nitong ceremonial vaccination noong labor day.

Kaugnay nito, nakakaya na ng local government ang magbakuna ng average na 3,500 vaccinees kada araw.