Mandaluyong LGU, nagsagawa ng house-to-house vaccination sa mga bedridden seniors

Sinimulan na ng Mandaluyong local government ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination para sa mga bedridden senior citizens. 

Ito ay upang hindi na umano mahirapan pa ang mga itong magtungo sa mga vaccination site para magpabakuna kontra COVID-19

Ayon sa LGU, isinailalim din sa screening at consultation ang mga bedridden seniors bago bakunahan at inobserbahan sa posibleng side effects.

Bukod rito, tuluy-tuloy na rin ang second dose vaccination sa mga priority group ng Mandaluyong.

Nauna nang iniulat ng City Health Department na nasa higit 20,000 mga residente ng Mandaluyong ang nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccines.

Samantala, as of May 1, umakyat pa sa 117,000 na mga residente ng Mandaluyong ang nagpatala sa MANDAVAX online registration.