Mandaluyong City Gov’t, namahagi ng pamaskong handog sa Senior Citizens at mahihirap na pamilya

Maghapon na magbibigay ng pamaskong handog ang Mandaluyong City Government sa mga Senior Citizen at mahihirap na pamilya sa lungsod.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, taon-taon sa loob ng 30 years ginagawa ng pamahalaang lungsod ang gift giving sa mga residente bilang pasasalamat.

Mula sa dating 10,000 katao na unang nabigyan ng pasimulan ang proyekto, aabot na ngayon sa higit 60,000 ang binibigyan at inaasahan pa ang pagdami sa mga susunod na taon.

Aniya simple lang ang aguinaldo na ipinamamahagi ng city government, at laman ng gift pack ang mga grocery item tulad ng bigas, asukal at noche buena items na kayang ubusin sa loob ng isang linggo.

Sa kasalukuyan, mahaba na ang pila ng mga tao sa harap ng city hall ng Mandaluyong para makakuha ng kanilang pamaskong handog. | ulat ni Rey Ferrer