Manay, Davao Oriental, niyanig din ng magnitude 5.3 earthquake ngayong madaling araw — PHIVOLCS

Matapos gulantangin ng malakas na 6.3 magnitude earthquake ang bayan ng Tulunan, North Cotabato kakabi, niyanig naman ngayong umaga ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Manay sa Davao Oriental kaninang alas-4:53 ng umaga.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 10 kilometro sa Silangang bahagi ng Manay.

May lalim na 120-kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Alabel, Saranggani, Intensity 2 sa Tupi, South Cotabato, General Santos City at Intensity 1 sa Kiamba, Saranggani.

Sabi ng PHIVOLCS, asahan na magkakaroon pa ng mga aftershocks kasunod ng malakas na lindol.

Samanatala, kinumpirma na rin ng PHIVOLCS na may mga naitalang casualty at damage sa mga istraktura sa malakas na lindol sa bayan ng Tulunan sa Noth Cotabato kagabi.