Malls na magbubukas sa May 1, di lalakasan ang lamig ng aircon

Nais matiyak ng pamahalaan na hindi magiging tambayan ang mga mall na maaari nang magbukas sa Mayo 1 na nasa ilalim ng general communiy quarantine o GCQ .

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga luluwagang mga lugar sa ilalim ng GCQ at iginigiya ng new normal.

Sinabi ni Roque na batay sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI), hindi lalamigan ang temperatura ng airconditioning  system ng mga mall upang maiwasan na maging tambayan ang mga ito.

sa ganitong paraan ayon kay Roque ay matitiyak na sasadyain lamang ang mall dahil may mahalaga talagang dapat na bilhin at hindi sa layuning makapagpalamig bilang bahagi pa rin ng precautionary measures laban sa coronavirus disease 2019.

Magpapatuloy  din aniya ang compulsary  temperature check at paggamit ng alcohol habang nasa mall ang mga tao sa sandaling magsimula na ang mga pagluluwag sa mga lugar na GCQ sa Mayo a uno.