Malinis na Manila, hiling ni Mayor Isko sa kanyang kaarawan

Walong araw bago ang kaarawan ni Mayor Isko Moreno, hiniling niya sa mga taga-Maynila na linisin ang lungsod.

Sa kanyang personal na liham sa lahat ng Manileño, hinimok ni Mayor Isko ang lahat ng residente at mga opisyal ng lungsod na maglinis at mag-ayos sa kanilang mga pamayanan, mga tanggapan, gusali at mga nasasakupan.

BASAHIN | Personal na liham sa mga Manileño ni Mayor Isko Moreno, kung saan hinimok niya ang lahat ng residente at mga…

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, October 16, 2019

Sinabi ng alkalde, na marami pa ang kailangan gawin upang maisaayos muli ang lungsod, kaya naman kailangan umano ni Mayor Isko ang tulong ng bawat mamamayan upang mapasiglang muli ang Maynila.

Kaugnay nito ay umaasa ang alkalde, na makikilahok ang lahat sa mga isasagawang cleanup drive na sisimbulo sa pagkakaisa ng mga Manileño.

Sa October 24,2019, magdiriwang ng kanyang ika-45 kaarawan si Mayor Isko.