Malawakang rally ng mga rebel returnees isasagawa bukas sa iba’t ibang lugar sa Davao

DAVAO CITY – Isasagawa bukas ng umaga ang isang malawakang rally na pangungunahan ng mga dating miyembro ng rebeldeng grupong New Peoples Army o NPA.

Ito ay tinawag nilang Martsa para sa Kapayapaan na halos sabay-sabay na idaraos sa iba’t ibang parte ng Davao Region.

Batay sa impormasyon, isasagawa umano ito ng mga rebel returnee bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangkalahatang kapayapaan sa buong bansa.

Nakatanggap din umano ng malaking suporta ang naturang rally mula sa iba’t ibang sektor sa lipunan.

Mag-uumpisa ang rally alas otso ng umaga sa mga siyudad ng Mati sa Davao Oriental at Tagum City sa Davao del Norte pati na rin sa mga munisipalidad ng Compostela Valley Province, Banay-Banay, Davao Oriental at Surralah, South Cotabato. | via Shiela Lisondra-Davao