Malawak na karanasan sa hudikatura ni dating CA Justice Socorro Inting, lubusang mapapakinabangan ng Comelec

Ikinatuwa ng Commission on Elections ang pagkakatalaga kay Court of Appeals Justice Socorro Inting bilang bagong commissioner ng ahensya.

Ayon kay Comelec Dir. James Jimenez, tumatayong tagapagsalita ng ahensya, ang mahabang karanasan ni Inting sa Hudikatura ay maituturing na mahalagang asset para sa poll body.

Mainam din aniya na naitalaga si Inting sa pwesto sa kasagsagan ng paghahanda ng Comelec sa Barangay at SK Elections.

Dagdag pa nito Tiyempo rin na abala na ang Comelec sa paghahanda para sa 2019 National and Local Elections.

Si Inting ay itinalagang kapalit ni Commissioner Arthur Lim na nagretiro noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Si Inting ay itinalaga bilang mahistrado sa CA noong 2009, at nanungkulan din siya bilang hukom sa Makati City Metropolitan Trial Court at Manila Regional Trial Court.

Dahil naman sa pagkakatalaga kay inting ay lima na ang nanunungkulang myembro ng Comelec En Banc at kinakailangan pa ng dalawa pang karagdagang appointee para makumpleto ang mga miyembro nito. | via Lorenz Francis Tanjoco