Malasakit Center sa Lung Center of the Philippines, opisyal nang binuksan ngayong araw

Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang isa pang Malasakit Center sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Sa kabuuan, 19 na ang Malasakit Center na binuksan sa iba’t ibang pagamutan sa buong bansa sa ilalim ng Duterte administration.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop program ng Pangulong Rodrigo Duterte na layong mapabilis ang delivery ng medical services at mabigyan ang mga mahihirap na pasyente ng access sa libreng medisina.

Sa ilalim ng programa, lahat ng pasyente ay makaka-avail ng serbisyo at financial assistance na ipagkakaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., Department of Social Welfare and Development at Philhealth.

Ilan lamang sa kabuuang 19 na Malasakit Center ay matatagpuan sa mga sumusunod na hospital:

Vicente Sotto Memorial Center sa Cebu city, Western Visayas Medical Center sa Iloilo City,
Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City, Davao City at Phil General Hospital City sa Maynila.

Kasama ni DoH Secretary Francisco Duque III si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at iba pang opisyal ng gobyerno na nagbukas sa nabanggit na Malasakit Center.  | ulat ni Rey Ferrer