Malalakas na pag-ulan, nararanasan sa ilang panig ng bansa; Bataan itinaas na sa ‘yellow warning level’ – PAGASA

Nakataas na sa ‘yellow warning level’ ang lalawigan ng Bataan mula kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Ibig sabihin nito, may mga pagbaha na sa ilang mabababang lugar bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat.

Base sa inilabas na heavy rainfall warning no. 9 ng PAGASA Weather Bureau, makararanas din ng light to moderate na may kalakasang pag-ulan sa loob ng  isa hanggang dalawang oras ang Makati, Pasay, Las Piñas, Taguig at Parañaque sa Metro Manila, Zambales, Batangas, Cavite, at Quezon at iba pang kalapit lugar.

Inaasahan din ang light to moderate rains sa lalawigan ng Pampanga, Laguna, Rizal, at Bulacan sa susunod na tatlong oras.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng PAGASA ang publiko at inaabisuhang manatiling naka-monitor at mapagmatyag sa kanilang lugar.  | ulat ni Rey Ferrer