Malaking populasyon ng Pilipinas, may epekto sa bilis ng roll-out ng bakuna ng bansa ayon sa isang mambabatas

Isa ang malaking populasyon ng Pilipinas sa mga factors na kailangan ikonsidera upang mapabilis pa ang COVID-19 vaccine roll-out ng bansa.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert ‘Ace’ Barbers sa Southeast Asia, pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming tao o populasyon kasunod ng Indonesia.

Bunsod nito, kailangan triplehin din aniya ang bilis ng pagpapabakuna at malawakang testing upang masabayan o kung hindi man ay mahigitan ang bilis ng transmission ng sakit.

Positibo ang mambabatas na kung mapapalawak ng vaccine program ay tiyak na babalik ang business at consumer confidence.

Hanggang nitong April 27, batay sa vaccine statistic na inilabas ng National Task Force, kabuuang 1.8 million (1,809,801) na ang nabakunahan o katumbas ng 3.5 million (3,525,600) doses ng vaccine.

Kumiyansa rin si Barbers na oras na mangyari ito ay hindi malayo na makabalik na rin sa pre-pandemic scenario ang buhay ng mga Pilipino tulad na lamang sa Israel at US na maaaring hindi na magsuot ng face mask.

(voice clip