Malaking grupo ng mga manggagawa, ipinagbubunyi ang bagong Senate leadership sa pag-asang umusad ang mga panukalang batas na magpapabuti sa sektor ng paggawa

Ipinagbubunyi ng mga grupo ng mga manggagawa ang opisyal na pag-upo ngayong araw ni  Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang

bagong Senate president.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng  Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), positibo ang kanilang hanay kay Sotto dahil may puso ito sa mga manggagawa.

Paulit-ulit na aniya nagpakita ng simpatiya si Sotto sa kahirapan ng mga manggagawa na  makaagapay  sa tumataas na presyo ng mga bilihin at bayarin sa serbisyo publiko. Ngayong pinuno na ng Senado si Sotto, umaasa sila na mapapabilis ang pagsasabatas sa 14th month pay bonus bill na akda mismo ng senador. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2 , inaatasan nito ang mga employer na magkaloob ng 14th month pay o bonus na katumbas ng isang buwan na  basic salary para sa mga rank and file worker sa pribadong sektor.
Maliban dito, may nakikita ring pag-asa ang organisasyon sa bagong Senate leadership na umusad ang  Security of Tenure Bill, ang anti-contractualization na naglalayong  pangalagaan ang karapatan ng mga short-term employed na manggagawa. | via Shane Juan