Malacañang, umapela na huwag munang husgahan ang pinapatupad na driver-only ban sa EDSA

Nanawagan ang Malacañang sa mga motorista na bigyan ng pagkakataon ang ipinapatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na high occupancy vehicle sa EDSA, na nagbabawal sa mga single passenger na bumiyahe sa EDSA tuwing rush hour.

Ito ang naging tugon ng Palasyo sa mga negatibong komento at reaksyon na natanggap ng naturang ordinansa ng MMDA.

Ayon kay presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maganda naman ang layunin ng MMDA para maibsan ang porblema ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Isa lang aniya ito sa mga ineexplore na paraan ng gobyerno para masolusyunan ang trapik.

Binigyang-diin rin ni Roque, na binibigyang-laya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya na magpatupad ng sarili nilang mga programa at hindi ito nagmi-micro manage o nangingialam pa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion