Malacañang, tiwalang makatutulong si MNLF Chair Misuari sa all-out war kontra Abu Sayyaf

Naniniwala ang Malacañang, na makatutulong si MNLF Founding Chairman Nur Misuari sa pamahalaan, kaugnay ng naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikasa ang all-out war sa grupo ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na hindi dapat isantabi ang naging pagtulong ni Misuari noon na naging instrumental sa pagkaka-release ng mga naging bihag ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.

Ito ani Panelo ang dahilan, kung bakit nais makausap ni Pangulong Duterte ang lider ng MNLF na kung saan, ang pakay ng chief executive ay magkaroon ng alyansa dito at makuhang muli ang tulong nito.

Sinabi ni Panelo, na bagama’t mas nais ni Misuari ang Pederalismo kaysa sa Bangsamoro Organic Law (BOL), hindi naman aniya nawawala ang suporta niya kay Pangulong Duterte.

Ang pagsuporta sa Presidente ayon sa tagapagsalita ay hayagan namang ginagawa ni Misuari sa publiko. | ulat ni Alvin Baltazar