Malacañang, tiwalang maipapasa ang 2019 national budget bago matapos ang taon

Kumpiyansa ang Malacañang na magiging on-time ang pagpapasa sa P3.757 trilyon na 2019 national budget.

Ito ay matapos magkasundo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Kongreso sa pagpapatupad ng transitory-cash-based system.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa ilalim ng sistemang ito ay magkakaroon ang pamahalaan ng labindalawang buwan na i-obligate ang budget at labinwalong buwan naman para sa disbursement.

Ilalabas aniya ng DBM ang buong detalye ng ipatutupad na transitory cash-based system sa mga susunod na panahon.

Giit ni Roque, dahil sa development na ito ay inaasahang maipapasa sa takdang oras ang national budget at mapipirmahan ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion