Malacañang, tiwalang ‘di maaapektuhan ng mga pagsabog ang ikalawang yugto ng plebesito

Kumpiyansa ang Malacañang na hindi maaapektuhan ang ikalawang yugto ng Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite ng mga naganap na pagpapasabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, sa kabila ng pahayag ng Commission on Elections (Comelec), na posibleng maapektuhan ang voters turnout sa February 6.

Ayon kay Panelo, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi ang COMELEC ang may kakayahan na tukuyin kung makakaapekto o hindi ang mga naganap na pagpapasabog, dahil ang AFP ang tumututok at responsable sa seguridad sa lugar.

Bagama’t magiging alerto, vigilant at posibleng makaramdam ng takot ang mga residente sa lugar, tiwala si Panelo na boboto pa rin ang mga ito.

Ang susunod na plebesito ang magdi-determina kung kasali ang Lanao del Norte at pitong bayan ng North Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). | ulat ni Racquel Bayan