Malacañang: Tiwala ni Pangulong Duterte kay Faeldon, maaring magbago  

Subject to change without prior notice.

Ganito inilarawan ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo ang pagtitiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon, na sa ikalawang pagkakataon ay muling naging mainit sa mata ng publiko dahil sa dumaraming kontrobersiya sa Bilibid, na nag-ugat sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Panelo, na kung patuloy mang nagtitiwala ang Punong Ehekutibo kay Faeldon, maaaring mabago ito at ito ay sa sandaling makakita ng butas ang Pangulo kontra sa ex-BuCor chief, na makapagpapaguho sa trust and confidence nito kontra sa kanya.

Tatlong bagay lang naman ani Panelo ang maaaring maging grounds para masira ang tiwala ng Pangulo sa kanyang opisyal, at ito ay ang corruption, incompetence at disobedience.

Pero sa ngayon, ayon sa tagapagsalita, nangingibabaw ang pagiging “matapat” ni Faeldon para sa Pangulo, dahilan para patuloy na ilagak nito ang kanyang tiwala at hindi tuluyang ilaglag ang sinibak na hepe ng bilibid prison.