MalacaƱang, tiniyak na maipakakalat ang tamang impormasyon tungkol sa pederalismo

Gagamit ang pamahalaan ng standardized dissemination materials kaugnay ng ikakasa nitong massive information drive tungkol sa isinusulong na federal constitution.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nais nilang matiyak na walang lilihis sa direksiyon ng nais maipunto ng gobyerno patungkol sa pederalismo.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay may mga materyales ng ginagawa na ibibigay sa disseminators habang may binubuo na ring modyul para sa magiging trainors.

Tugon naman ni Roque sa ulat na balak ng Consultative Committee na gamitin si PCOO Asec Mocha Uson sa info drive, welcome naman aniya kahit na sino ang gustong tumulong.

Gayunpaman, mas maiging ang Concom na lang ang tanungin kung ano ang magiging partikular na papel ni Asec. Uson sa information dissemination sa pederalismo. | ulat ni Alvin Baltazar