Malacañang, susubukang kausapin ang DOTR kaugnay ng inihihirit na dagdag pasahe sa LRT

Titingnan ng Palasyo kung ano ang magagawa nito sa gitna ng inihihirit na dagdag-pasahe sa LRT.

Sa gitna na rin ito ng petisyon ng LRMC o Light Rail Manila Corporation na humihingi ng P5 hanggang P7 pisong dagdag sa pasahe sa LRT.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, makikipag-ugnayan sila kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade tungkol dito at mula doo’y mapag-aaralan ang anumang posibleng hakbangin na papabor o kakayanin ng mga pasahero.

Gayunpaman, sinabi ni Roque na kung sadyang kailangan na talagang magtaas ng pamasahe, wala na silang magagawa tungkol dito.

Sa ngayon ay nasa P15 pesos ang minimum fare sa LRT sa unang limang istasyon habang P5 piso ang dagdag para sa ika-anim hanggang ika-sampung istasyon. | via Alvin Baltazar