Malacañang: Siyensya ang basehan ng pag-require sa publiko na mag-face shield

Binigyang diin ng Malacañang na nakakatulong ang pagsusuot ng face shield, upang maiwasang mahawa sa COVID-19.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng mga panawagan na huwag nang isama ang face shield sa mga requirement tuwing lalabas ng bahay.

Ayon kay Secretary Roque, kung magiging rekomendadsyon ito ng Metro Manila mayors, pag-aaralan naman ito ng Inter Agency Task Force (IATF) lalo at ang mga ito ang implementers ng mga polisiya ng pamahalaan.

Gayunpaman, base na rin aniya sa mga pag-aaral o datos, katumbas ng tamang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing ay ang proteksyong ibinibigay ng bakuna.

Matatandaan na una na ring sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na hindi pa napapanahon ang pagtatanggal ng face shield sa requirement, hanggang hindi pa nakakamit ang population protection.