Malacañang, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa face data breach

Tiniyak ng Palasyo na may batas sa Pilipinas at mga patakaran para protektahan ang “privacy” ng publiko.

Ang garantiya ay ginawa ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng nangyaring data breach sa Facebook na kung saan, sinasabing 87 million users ang naapektuhan kabilang na ang mahigit isang milyon na galing sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng Palace spokesperson na kabilang sa ipinatutupad ng Pilipinas kontra data breach ay ang Privacy Act.

Pahayag ni Sec. Roque, seryoso ang pamahalaan na mabigyang proteksyon ang mamamayan sa gitna ng posibilidad na maaaring magamit ng mga sindikato sa iligal na gawain ang mapasok ang private information ng mga Facebook users.

Pinawi rin ng tagapagsalita ng Malacañang ang anomang pangamba gayung bagama’t mahigit isang milyong Filipino Facebook users ang nabiktima ng data breach, hindi naman aniya nangyari sa Pilipinas ang insidente.

Matatandaan maging ang founder mismo ng Facebook na si Mark Zuckerberg ay inaming napasok ng Cambridge Analytica at nanakaw ang kanyang data o mga personal information. | via Alvin Baltazar