Malacañang, no comment sa inorganisang ‘thank you lunch’ para sa mga sumuporta kay House Speaker Arroyo

Dumistansya ang Malacañang sa ‘thank you lunch’ na ginawa para umano sa mga sumuporta sa house speakership ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na diumano’y inorganisa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Presidential Spokeperson Secretary Harry Roque, mas mainam na ang tagapagsalita na lamang ni Mayor Sara ang magbigay ng pahayag tungkol sa ‘thank you lunch’.

Wala rin aniyang ideya si Roque kung alam ba ng Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang na ito ni Mayor Sara sa pagsuporta kay SGMA, maging sa kinalaman diumano ng presidential daughter sa pagpapatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa kabila nito ay inamin ni Roque na naabisuhan naman si dating Speaker Alvarez na mapapatalsik siya sa pwesto isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo pero tumanggi na si Roque na sabihin kung sino ang nagsabi kay Alvarez. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion