Malacañang, nanawagan sa mga netizen na iparating sa Facebook ang kanilang hinaing tungkol sa ‘fact-checking’ policy nito

Binigyang-diin ng Malacañang, na libre ang mga Pilipino na huwag nang gamitin ang social networking site na Facebook at lumipat na lamang sa ibang platform.

Ito’y sa harap na rin ng pagpili ng Facebook sa Rappler at Verafiles, bilang third party fact-checker na siyang sasala sa mga impormasyong papayagang makapasok sa facebook.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, may mga nagrereklamo kasi na ang napiling mga taga-‘pulis ng katotohanan’ ay nagiging partisan o may kinikilingan paminsan.

Dahil dito, hinikayat ni Roque ang mga netizen na ipaabot sa Facebook ang kanilang mga hinaing, at pagkontra sa hakbang na ito ng social networking site.

Gayunpaman, ipinahayag pa rin ni Roque ang kanyang suporta sa hakbang ng Facebook na labanan ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa kanilang platform. | via Nimfa Mae Asuncion