Malacañang, nais munang makasiguro na ligtas ang mga Pilipino sa Syria bago maglabas ng policy statement sa ginawang missle attack doon ng US

Prayoridad ng gobyerno ngayon ang pagsisigurong ligtas ang lahat ng mga Pilipino sa bansang Syria sa gitna na rin ng ginagawang pambobomba ng gobyerno ng Estados Unidos sa naturang bansa.

Sa Malacanang briefing ngayong araw, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na bago sila maglabas ng anumang statement o posisyon tungkol sa air strikes na ginawa ng US laban sa Syria dahil sa paggamit nito ng chemical weapon.

Giit ni Roque, sa ngayon ay binabalanse pa ng pamahalaan ang sitwasyon at saka na lamang maglalabas ng policy statement.

Mga susunod na araw ay ilalabas rin aniya ng Palasyo ang posisyon ng gobyerno ng Pilipinas sa isyu pero sa ngayon ay binabalanse pa ng pamahalaan ang sitwasyon.

Una dito, kinondena na ng China at Russia, na kilalang malalapit na kaalyado ng Pangulong Duterte, ang pag-atake ng Estados Unidos sa Syria.  | via Nimfa Mae Asuncion