Malacañang, nagpasalamat sa pagkaka-apruba ng Senado sa higit P1 bilyong Dengvaxia supplemental budget

Ikinatuwa ng Malacañang ang maagap na pag-apruba ng Senado sa higit isang bilyong pisong supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia vaccine.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na pinasasalamatan nila ang pagkakapasa ng Senado sa 1.16 bilyong pisong supplemental budget para sa mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Inaasahang nasa 800,000 kabataan ang makikinabang dito sa pondong magmumula sa partial refund ng kumpanyang Sanofi Pasteur.

Matatandaang base sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH), malaking bahagi ng pondo ay mapupunta sa medical assistance ng mga batang na-ospital dahil sa bakuna habang ang ibang bahagi ng pondo ay para naman sa assessment at monitoring ng mga nabakunahan, medical supplies para sa kanila at human resource para naman sa Dengvaxia complaint centers. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion