Malacañang, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating DENR Sec. Gina Lopez

Nagpahatid ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni dating Environment and Natural Resources Secretary Regina ‘Gina’ Lopez.

Sa statement na inilabas ng Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpanaw ng dati niyang miyembro ng Gabinete.

Nalulungkot ang Palasyo ayon kay Panelo sa pagkawala ng isa sa mga aniya’y “most passionate Cabinet member” ng Pangulo kung pag-uusapan ay environmental advocacy kung saan hindi umano matutumbasan ang naiwang legacy nito.

Malaking kawalan umano ayon kay Panelo para sa bansa ang 1997 International Public Relations Awardee for Excellence for the Environment at 2009 Outstanding Manilan Awardee for the Environment at kilala din ito sa paglaban sa mining sector at sa mga industriyang sumisira sa kalikasan.

Lalong naging matunog ang pangalan ni Lopez sa ginawa nitong pagpapasara sa mga mining companies nung siya pa ang kalihim ng DENR.