Malacañang, nagdeklara na walang pasok sa Tacurong, Cabuyao at Davao City

Idineklara ng Malacañang na Special Non-working Day sa Tacurong, Sultan Kudarat, Cabuyao lalawigan ng Laguna at Lungsod ng Davao.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 778, idinedeklarang ‘walang pasok’ sa Tacurong sa darating na ika-3 ng Agosto para bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-68 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Idineklara ring Special Non-working Day sa Cabuyao sa probinsiya ng Laguna sa bisa ng Proclamation No. 779 ang Agosto 5, araw ng Biyernes at ito’y kaugnay naman ng gagawing pagdiriwang sa ika-7 cityhood anniversary nito.

Sa darating namang Agosto 16 na papatak sa araw ng Biyernes ay deklaradong wala na ring pasok sa Davao City upang magbigay daan sa selebrasyon ng Kadayawan Festival.

Sa bisa na rin ito ng nilagdaang Proclamation Order 774 ni Executive Secretary Salvador Medialdea.