Malacañang, nagbabala sa mapapatunayang nagbebenta ng COVID vaccine at vaccine slot

Makukulong ang mga indibidwal o grupo na mapapatunayang nagbebenta ng COVID-19 vaccines o maging slot para sa pagpapabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang COVID-19 vaccine sa buong mundo ang naaprubahan na para sa commercial use. Ibig sabihin bawal ang pagbebenta ng mga ito.

Tanging Emergency Use Authorization (EUA) pa lamang ang naigawad sa mga bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi rin ng kalihim, na maaari rin ma-prosecute ang mga indibidwal na nagbebenta ng kanilang vaccine slot.

Binigyang diin ni Secretary Roque, na walang karapatan ang sino man na ibenta ang kanilang vaccine slot mula sa vaccination program ng pamahalaan.