Malacañang, mas maniniwala sa posisyon ng NSA, kaysa sa opinyon ng PAGCOR Chief

Iginiit ng Palasyo na mananatili ang posisyon nito, alinsunod sa paniniwala ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr. na maituturing na security threat ang influx ng Chinese workers sa Philippine offshore gaming operations (POGOs).

Ito ay kahit pa sinabi ni PAGCOR Chief Andrea Domingo, na hindi banta ang mga Chinese na ito, dahil ordinaryong manggagawa lamang anila sila.

Ayon kay Panelo, opinyon ito ng PAGCOR Chief.

Gayunpaman, mas paniniwalaan niya aniya ang posisyon ni Esperon, dahil ang seguridad ng bansa ang mismong trabaho nito.

Naniniwala si Panelo na ang importante sa usaping ito, ay kung mayroon mang immigration laws na nalalabag ang Chinese workers sa bansa, ay dapat harapin ng mga ito ang batas.