Malacañang, malaki ang inaasahan sa DFA at DOE sa harap ng ikinukunsiderang pag-angkat ng langis sa mga bansang hindi kasapi ng OPEC

Malaki ang inaasahan ng Palasyo sa DFA at Department of Energy sa pagsisikap ng pamahalaan upang matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, may pagkilos na ngayon ang dalawang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng tuluy-tuloy na oil price hike bunsod ng hindi maawat na presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito ay ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang hindi kasapi ng OPEC sa harap ng ikinukunsiderang pag-angkat ng langis ng gobyerno mula sa mga ito.

Bukod sa Estados Unidos at Russia, idinagdag ni Roque na ikinukunsidera na din ng pamahalaan ang pag-angkat partikular ng diesel sa Venezuela na nagdagdag ng kanilang output sa produksiyon ng diesel oil.

Kung makakaangkat aniya ng murang presyo ng diesel, tiyak aniyang ito’y mapapakinabangan ng mga consumer sa mas mababa ring halaga. | ulat ni Alvin Baltazar