Malacanañg, kumpiyansang mapagtitibay ang 2019 National Budget ngayong linggo

Positibo ang Malacañang na maaaprubahan na ngayong linggo ang Pambansang budget para sa taong ito.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na sa kararating na impormasyon sa kanila ay wala nang balakid o hadlang upang tuluyan nang maipasa ng mga mambabatas ang National Budget ngayong taon.

Kaugnay nito’y inihayag ni Panelo na bahala na ang mga mambabatas kung saan ilalaan ang umano’y dagdag na P75 bilyong pisong budget na una ng hiniling ng Public Works Department.

Paglilinaw ni Panelo, hindi naman ito tinanggal at sa halip ay ikinalat sa iba’t-ibang ahensyang nangangailangan, hindi lamang sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kahapon ay nagsimula ang Bicameral Conference Committee deliberations para plantsahin ang pagkakaiba sa budget.   | ulat ni Alvin Baltazar