Malacañang, kinundena ang pamamaslang sa NDF consultant, Brgy Captain

Hindi kukunsintihin ng Malacañang ang pamamaslang sa NDF Consultant na si Felix Randy Malayao sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, magkaiba man ang pinaniniwalaan o ideyolohiya ni Malayao sa posisyon ng gobyerno, hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng karahasan kahit kanino.

Kasabay ng pagkundena ng Malacañang sa mga ganitong uri ng karahasan, ay ang pagpapaabot ng pakikiramay sa naulilang kaanak ni Malayao.

Samantala, nakikiramay din ang Palasyo sa mga naiwang mahal sa buhay ng pinatay na barangay captain ng Quezon City na si Beng Beltran, na tumatakbo ring kongresista. | ulat ni Racquel Bayan