Malacañang, kinondena ang pagpatay sa isang mamamahayag sa Dumaguete at isang pari sa Cagayan

Mariing tinututulan ng Palasyo ang pagpaslang sa isang pari sa Cagayan, na si Father Mark Ventura gayundin sa mamamahayag sa Dumaguete na si Edmund Sestoso.

Pagtitiyak ni Presidential Spokesperson at Adviser on Human Rights Secretary Harry Roque, gagawin ng gobyerno ang lahat para maimbestigahan at mabigyang hustisya ang mga kasong ito.

Sa kaso ng mamamahayag na si Estosos, binigyang-diin ni Roque na katuwang ng mga miyembro ng media ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa pamumuno ni Undersecretary Egco, sa pagresolba ng kaso.

Base aniya sa pinakahuling datos na hawak ni Roque, may walong convictions na ang PTFoMS na aktibo sa pagprotekta, pag-iimbestiga at pagkakaso sa mga nasa likod ng pagpaslang sa mga mamamahayag maging sa mga taong nananampalataya. | via Nimfa Mae Asuncion