Malacañang, ipinagmalaki na wala nang underspending sa Duterte administration

Patuloy ang masiglang paggasta ng gobyerno ngayong taong 2018.

Sa press briefing kanina sa Malacañang, masayang ibinalita ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, na nagamit na ng pamahalaan ang inilaang pondo para sa first quarter ng taong 2018 o mula January hanggang March 2018.

Base aniya sa report ng Department of Budget and Management (DBM), nagasta na ng gobyerno ang 606.3 billion pesos sa 618 billion pesos budget na inilaan para sa iba’t ibang programa at proyekto.

Ibig sabihin nito ay 98 percent nang inilaang pondo ang nagamit na ngayong 1st quarter ng 2018.

Nakapagtala naman ng 100 percent na paggastos ng budget ang Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Trade and Industry (DTI). | via Nimfa Mae Asuncion